Kaayusan ng Window
Ang mga kaayusang ito ay maaaring itago/ipakita sa pamamagitan ng pagklik ng buton na may pangalan na Itago ang kaayusan o Ipakita ang kaayusan.
Kadalasan, ang mga rekurso ay ipinapakita sa isang normal na nakaframe na window, na nasa taas ang pangnabigasyon ng mga kontrol ng Moodle sa tuktok na frame. Kung naisin mo, maaalis moang frame na ito at gawing punuin ng rekurso ang window tulad ng isang normal na pahinang pangweb.
Magkagayunman, kung nais mong lumitaw ang rekurso mo sa isang bagong popup na window ay sundin ang mga sumusunod na hakbang:
Pahihintulutan bang mabago ang laki ng window?Ang pagpapanatili na napilì ng aytem na ito ay magpapahintulot sa mga user na mabago ang laki ng window na itinakda mo, at halos palagi dapat na pabayaang napilì. Magkagayunman, minsan ang rekurso ay may permanenteng laki at mas makatwiran na ipirmi ang laki ng window.
Pahihintulutan bang mai-scroll ang window?Pinapahintulutan ng aytem na ito ang mga user na i-scroll ang window para makita ang lahat ng rekurso mo. Kung walang tsek ang aytem na ito, makikita lamang ng user kung ano ang kasya sa itinakdang laki ng window at hindi pahihintulutan na i-scroll ang window para makita ang kabuuan ng rekurso.
Ipapakita ba ang mga link ng direktoryo?Pahihintulutan nito ang mga user na makita nila ang kanilang link ng direktoryo sa window na ito. Nagbabago ito ayon sa browser: Maari ito ang Links Bar (sa IE), ang Favourites Bar o Bookmarks bar (sa Mozilla/Firefox).
Ipapakita ba ang bar ng lokasyon?Gusto mo bang makita ng mga user ang URL (address ng web) ng rekurso? Kung oo, pabayaan mong may tsek ang opsiyong ito. Kundi ay matatago ang lokasyon ng rekurso.
Ipapakita ba ang bar ng menu?Upang mabigyan ng karapatang gamitin ang menu bar sa window na ito ang iyon mga user, pabayaan na walang tsek ang aytem na ito, kapakipakinabang ito pero para sa ilang presentasyon na panglarawan mas magandang tingnan na walang menu bar.
Ipapakita ba ang toolbar?Ang pagpapakita ng toolbar ay magpapadali ng pagnabiga ng mga user mo, dahil nagbibigay ito ng Back/Forward, Home, at Refresh na mga buton.
Ipapakita ba ang status bar?Ang pagpapakita ng Status bar ay magpapahintulot sa mga tao na matyagan ang impormasyon na pangbrowser, tulad ng anong parte na ng rekurso ang nailowd, o impormasyong panseguridad.
Maraming tao ang gumagamit pa rin ng katamtamang resolusyon ng screen na 800x600. Sa karamihang kaso, pinakamabuti na kung sa simula ay paliitin mo ng mas kaunti ang window mo dito, tulad ng 600 taas at 480 lapad.
Kapag pinabayaan mong blangko ang mga puwang na ito, ang bagong popup na window ay magiging kasinglaki nang eksakto ng window na ikinlik nila para makuha ang popup.