Mga kalakip ng post
Kung gusto mo, maaari kang maglakip ng ISANG file mula sa kompyuter mo sa anumang post sa mga talakayan. Ang file na ito ay iaaplowd sa server at iimbakin kasama ng post mo.
Maigi ito kung nais mong magbahagi ng larawan, halimbawa, o isang Word document.
Ang file na ito ay puwedeng maging kahit anong uri, pero iminumungkahi na ang file ay pangalanan nang may istandard na 3-titik na mga pang-internet na hulapi tulad ng .doc para sa Word document, .jpg o .png para sa isang larawan, at iba pa. Mapapadali nito ang pagdownload ng iba at pagtingin sa kanilang browser sa inilakip mo.
Kapag muli mong inedit ang isang posting at naglakip ka ng bagong file, iyong mga dating inilakip na file sa post na iyon ay mapapalitan.
Kapag muli mong inedit ang isang posting na may kalakip at pinabayaan mong blangko ang puwang na ito, ang orihinal na kalakip ay mananatili.