Pagpapahintulot sa mga bagong post
Sa opsiyong ito maaari mong limitahan ang mga mag-aaral na makapagpopost ng bagong paksa sa talakayan.
Sa karamihang talakayan, mas nanaisin mo sigurong piliin ang unang opsiyon na nagbibigay sa mga mag-aaral ng kalayaang magsimula ng mga bagong paksa ng talakayan (thread), at magpost ng mga tugon sa loob ng mga thread na iyon.
Pero minsan, may nanaisin mo sigurong patayin ang abilidad na ito. Halimbawa, maigi ito sa Balitaan, kung saan tanging ang guro ang gusto mong magpost ng mga bagong item na lilitaw sa pangunahing pahina ng kurso. Sa ganitong kaso, piliin mo ang ikatlong opsiyon "Walang pinag-uusapan, walang tugon".
Minsan naman gusto mong ang guro lamang ang makapagsimula ng talakayan, pero puwede namang tumugon ang mga mag-aaral sa loob ng mga thread na iyon (halimbawa sa loob ng balitaan sa site home page). Sa kasong ito, pipiliin mo ang ang ikalawang opsiyon, "Walang pinag-uusapan, pero pinapahintulutan ang pagtugon".