Pag-aangkat ng file na nasa format na "Aiken"
Ang Aiken na format ay isang napakasimpleng paraan ng paglikha ng tanong na maraming-pagpipiliang-sagot sa pamamagitan ng isang malinaw na format na nababasa ng tao. Narito ang halimbawa ng format:
Ano ang wastong sagot sa tanong na ito?
A. Ito ba?
B. Baka ito?
C. Marahil ay ito?
D. Ito siguro!
ANSWER: D
Aling LMS ang may pinakamaraming format na pang-angkat ng pagsusulit?
A) Moodle
B) ATutor
C) Claroline
D) Blackboard
E) WebCT
F) Ilias
ANSWER: A
Dapat ay nasa iisang linya lamang ang buong tanong.
Ang bawat sagot ay dapat magsimula sa isang isahang-titik na karakter, kasunod ay isang tuldok '.' o isang bracket ')', pagkatapos ay isang espasyo.
Ang linya ng sagot ay dapat sumunod kaagad, umpisa sa "ANSWER:" pagkatapos ay ibibigay ang angkop na titik.