Mga Pagsusulit
Binibigyan ng modyul na ito ng pagkakataon ang guro na magdisenyo at
magtakda ng mga pagsusulit, tulad ng maraming-pagpipiliang-sagot, tama-mali, at maikling-sagot
na tanong. Iniipon ang mga tanong na ito sa isang
kinategoryahang database, at maaaring magamit muli sa loob ng isang kurso at maging sa iba
pang kurso. Puwedeng gawing paulit-ulit na makuha ang mga
pagsusulit. Ang bawat pagkuha ay awtomatikong namamarkahan, at puwedeng
lagyan ng guro ng puna ito o ipakita ang tamang sagot. May pasilidad
para sa pagmamarka ang modyul na ito.